nietes copy

Naikasa na ang pagdepensa ni world boxing champion Donnie “Ahas” Nietes sa kanyang WBO light flyweight belt kontra kay Mexican Raul “Rayito” Garcia sa Mayo 28, sa St. La Salle Coliseum sa Bacolod City.

Kinumpirma ni Nietes na kasado na ang laban niya sa 33-anyos na Mexican sa harap ng kanyang mga kababayan. Ang makakalaban ni Nietes ay kambal ni Ramon Garcia na tinalo ng Pinoy may limang taon na ang nakalilipas para sa kanyang ikalawang WBO world title.

“I am ready and I will do my best to give my townmates a good fight on May 28,” sambit ni Nietes.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sinabi ng pambato ng Negrense, pinakamatagal na Pinoy world champion sa nakalipas na pitong taon, na nasa tamang kondisyon at preparasyon ang kanyang katawan at kaisipan para sa nalalapit na laban.

“I will continue to fight as long as I still have it in me. I am counting on the support of fellow Negrosonan and the boxing fans in Negros,” sambit ni Nietes.

Tangan ni Nietes ang impresibong marka na 37 panalo, isang talo at apat na draw, tampok ang 21 knockout. Haharap naman ang Mexican na markang 36-3-1 , kabilang ang 22 knockout.

Ang laban ni Nietes kay Garcia ang main event ng Pinoy Pride 36: A Legend in the Making, kung saan tampok din ang laban ni Negrense King Arthur Villanueva kontra kay Mexican Juan Jimenez, gayundin ang harapan nina Milan Melindo at Javier Mendoza sa undercard.