Nakaamba ang De La Salle para makamit ang ikatlong general championship title sa Season 78 ng Universities Athletics Association of the Philippines (UAAP).
Sa unofficial tally, nakaabante ang La Salle kontra sa pinakamahigpit na karibal na University of Santo Tomas matapos matalo ang Tigers sa men’s football crown kontra University of the Philippines (UP) nitong Huwebes.
Samantala, lumalaban pa sa kampeonato ang La Salle sa women’s volleyball at women’s football.
Kung sakali, ito ang ikatlong pagkakataon sa nakalipas na apat na taon na makokopo ng Green Archers ang overall title sa premyadong collegiate league sa bansa. Naagaw ng UST ang kampeonato sa La Salle sa nakalipas na season.
Nakamit ng DLSU ang kampeonato ngayon season sa sports na women’s beach volleyball, baseball, men’s at women’s table tennis, at women’s chess.