Nonoy at Atty. Dot_tao lang PLEASE CROP THE LOGO copy

HINDI maitago ng mga taga-showbiz at media ang pagka-excite sa posibilidad na maaaring makapasok sa Kongreso ang isa sa pinakamatalinong showbiz at media personality sa Pilipinas ngayon bilang representative ng #113 AGBIAG Partylist. 

Nagbigay na ng matitinding pag-endorso sa #113 AGBIAG Partylist ang dating manager ni Atty. Dot Balasbas-Gancayco na si Boy Abunda, ang kanyang kaibigang matalik na si Nonoy Zuniga, pamangking si Erich Gonzales at boyfriend nito na si Daniel Matsunaga, sikat na batang actor na siYves Flores, at marami pang ibang batikang artista gaya nina Tirso Cruz III, Edgar “Bobot” Mortiz, Al Tantay, Marissa Sanchez, at Ricky Davao. 

Si Atty. Dot Gancayco ay tinaguriang singing lawyer na pinasikat ng kanyang manager na si Boy noong 1990s. Siya ay multi-awarded na abogada, manunulat sa Philippine Star, singing champion, dance champion at fun run champion. Siya ay valedictorian ng kanyang klase sa Kamuning Elementary School. Nawala siya sa showbiz nang nanganak sa pangalawa nilang baby ng asawa niyang si Atty. Pablo Gancayco. Tuluyan na siyang nag-concentrate sa kanyang pagiging abogada at 20 taong chief of staff ng iba’t ibang kinatawan sa Kongreso, kasama si Gov. Abet Garcia ng Bataan at Cong. Patrick Antonio ng AGBIAG. Nitong huling Kongreso, siya ang nahalal na pangulo ng asosasyon ng lahat ng chiefs of staff sa Congress

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Nitong mga nakaraang taon, sumikat pa lalo si Atty. Dot sa pagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mahihirap, sa telebisyon, at sa radyo. Mahal na mahal si Atty. Dot ng kanyang mga kapwa singer at artista dahil lagi siyang nangunguna sa fundraising para sa mga maysakit na performer at tumutulong din sa mga inaaping OFW na miyembro ng mga banda. Tumutulong din siyang magbigay ng trabaho at libreng serbisyong legal sa iba pang mga alagad ng sining tulad ng mga pintor at manunulat na nagsusulputang lahat para magbigay ng suporta sa kanya.

Sabi ni Boy Abunda, “Ang Nominee ng #113 AGBIAG Partylist na si Atty. Dot Gancayco ay personal ko pong kilala na taong matalino, masipag, may integridad at walang bahid na katiwalian. Malaki ang kanyang magagawa hindi lang para sa mga magsasaka at mga mangingisda, kundi pati na rin sa mga kababaihan, kabataan at OFWs. Sa #113 AGBIAG Partylist, siya ay maghahain ng mga batas para maprotektahan ang mga karapatan ng mga ito. Siya ay may puso para sa mga mahihirap at makikita ito sa dami ng natulungan nya sa pamamagitan ng mga libreng serbisyong legal, scholarships para sa mga walang kakayanan, at pagbibigay tulong sa mga nangangailangang artists at musikero.”