Ibinunyag ng Office Transportation Security (OTS) at PNP Aviation Security Group na nakakumpiska sila ng 15 bala mula sa isang newly-wed couple sa Caticlan Airport sa flight patungong Maynila noong Huwebes.

Si Jerome Flores Sulit ay bumibiyahe kasama ang kanyang asawa nang makita ng security staff na sina Jee Ar Flores at Christian Tesorero ang projected image ng 15 bala sa bagahe ni Sulit matapos itong dumaan sa X-ray machine.

Kaagad na tinawag ng security staff ang atensiyon ni SPO4 Ernie M. Ramos kaugnay ng interception.

Nang tanungin ng mga pulis, nabigo si Sulit na makapagprisinta ng mga dokumento sa posibleng pag-iingat ng mga bala.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Kalaunan ay dinala siya sa Malay Police Station para sa karagdagang imbestigasyon habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. (Ariel Fernandez)