MUKHANG nagkakaroon ng problema ang nakikilala nang tisoy na young actor sa manager niya dahil parati na raw silang nag-aaway.

Pinagbabawaan ng manager ang tisoy na young actor na huwag munang ma-in love at atupagin muna ang career habang may dumarating na projects lalo na ngayon na maraming ka-batch niya sa isang reality show ang nawalan ng trabaho.

Medyo mahigpit ang manager ni Tisoy na nang huli naming nakakuwentuhan ay umamin na talagang tutok siya sa mga alaga niya dahil gusto muna niyang mag-succeed lalo’t may mga obligasyon at bills na binabayaran.

Kaya naman pinalagyan ng manager ang kanyang bahay at kuwarto ng alaga ng CCTV cameras para kahit wala siya sa bahay ay alam niya kung ano ang nangyayari at kung sino ang labas-pasok sa bahay niya.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Puring-puri naman ng manager ang alaga niyang tisoy na young actor dahil masunurin at may mga investment na rin.

Kaya lang, totoo talaga ang kasabihan na kapag ang puso’y natutong magmahal, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.

Napana ni Kupido si Tisoy na nangangatwiran na at may mga sablay na sa mga ginagawa, kuwento mismo ng kampo ng manager. Kaya aso’t pusa ang dalawa ngayon.

Ang babaeng kinahuhumalingan at ipinaglalaban nang husto ni Tisoy kapareho rin niya ng manager.

Kaya ang drama ng tisoy na young actor at girlfriend ay the mouse plays when the cat is away.

Ang kaso, nakalimutan yata ng dalawa na may CCTV sa mga dingding at haligi, kaya bukelya sila.