Hindi man lang pinagpawisan ang Team Philippines Batang Gilas sa magaan na panalo kontra Thailand, 86-49, para makopo ang 2016 SEABA (Southeast Asian Basketball Association) Under-18 Championship Huwebes ng gabi sa Medan, Indonesia.

Hataw si Joshua Sinclair sa naiskor na 15 puntos, habang kumana si Gian Mamuyac ng 14 puntos para makumpleto ng Batang Gilas ang kahanga-hangang six-game sweep sa torneo.

Nag-ambag si John Bahio ng 12 puntos at 13 rebounds para sa Batang Gilas, na umabante sa 48-32 sa halftime matapos tambakan ang Thais, 31-13 sa second period.

Bunsod ng panalo, sasabak ang Batang Gilas, bilang kinatawan ng SEABA sa Fiba-Asia Under-18 Championship, sa Hulyo sa Iran.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Iskor:

Philippines (86) - Sinclair 15, Mamuyac 14, Bahio 12, Tibayan 11, Nelle 11, Yu 9, Mendoza 8, Gozum 4, Flores 2, Madrigal 0, Alfaro 0, Lee 0.

Thailand (49) - Tabtim 14, Suwan 7, Limjittakorn 6, Leelaphipatkul 6, Jaimsawad 6, Sonsem 6, Tanrattana 2, Banchathon 2, Sapakong 0, Pamanee 0, Samakpong 0, Ruangsutham 0.

Quarters: 17-19, 48-32, 73-39, 86-49.