Arci copy

PLANTSADO na ang Never Say Goodbye na pagsasamahan nina Arci Muñoz at Jericho Rosales sa ABS-CBN. 

Last Thursday, nag-pictorial na sila para sa bagong teleserye na planong ipalabas sa taong ito. 

Masayang-masaya si Arci dahil fresh from the success of her movie Always Be My Maybe with Gerald Anderson, heto at may follow-up agad na serye na ang makakasama niya ay ang isa sa prime actors ng Kapamilya Network.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Ang tagal ko rin po kasi hinintay ang time na ito. Siguro sabi ni Lord, ikaw naman, time for yourself,” masayang bungad ni Arci nang makapanayam pagkatapos ng pictorial.

In fairness, after Always Be My Maybe, napatunayan ni Arci na meron siyang ibubuga at may karapatang humanay sa contract stars ng ABS-CBN gaya nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Maja Salvador at iba pa.

Bukod kay Gerald Anderson at Jericho Rosales, balitang may naka-line up na ring project for Arci na sina Piolo Pascual at Sam Milby ang magiging leading man niya. Pero ayaw pang magkomento ng aktres tungkol dito at baka raw maudlot. Pero nandodoon pa rin daw ang feeling na siya ang “flavor of the season”.

“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng ‘binibigay nila sa aking project and whoever na i-partner sa akin ibibigay ko ang best ko and I’ll make sure ‘yung leading man ko magiging komportable,” pangako ni Arci. (ADOR SALUTA)