Hawks Celtics Basketball

BOSTON (AP)—Puno ng saya ang nakaberdeng Celtics fans na dumagsa sa pamosong The Garden. Ngunit sa huli, kalungkutan ang bumalot sa damdamin ng Celtics Pride.

Nabigo ang Celtics na makahirit ng ‘do-or-die’ makaraang dagitin sila ng Atlanta Hawks, sa pangunguna ni Paul Millsap na kumana ng 17 puntos at walong rebound, tungo sa 104-92 panalo sa Game 6 ng kanilang Eastern Conference first round playoff nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Nag-ambag sina Al Horford at Kent Bazemore ng tig-15 puntos para sa Hawks, nagtagumpay sa kauna-unahang playoff series mula nang manalo ang St. Louis Hawks kontra sa Celtics noong 1958 Finals.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Haharapin ng Hawks sa Game 1 ng second round series sa Lunes (Martes sa Manila) ang matikas na Cleveland Cavaliers.

Nakapasok sa playoff ang Celtics sa tatlong sunod na season at nasibak din sila sa tatlong sunod na pagkakataon sa first-round.

Nanguna sa Boston si Isaiah Thomas na may 25 puntos at 10 assist, habang kumubra si Jae Crowder ng 15 puntos.