Mahigit 1,000 winners mula sa buong bansa ang maaaring manalo ng cash prizes na aabot ng P3 million sa ikalimang installment ng Pera Sorpresa.

Ang winners ng nationwide Proof-of-Purchase (POP) promo ng RGMA Network, Inc. ay magmumula sa iba’t ibang sulok ng bansa tulad ng Manila, Baguio, Dagupan, Legazpi, Lucena, Naga, Palawan, Tuguegarao, Bacolod, Cebu, Iloilo, Kalibo, Cagayan de Oro, Davao at General Santos.

Sampung Kapuso ang magwawagi kada linggo ng tig-P1,500 mula sa iba’t ibang RGMA areas na nabanggit, at labing-limang bonus prize winners ng P10,000 naman ang mabubunot nationwide.

P1 million ang mapapanalunan sa Grand Draw, kung saan kabilang muli ang lahat ng non-winning entries sa buong promo period. Samantala, lima naman ang mananalo ng P25,000 each mula sa South Luzon, North Luzon, Visayas, Mindanao at Mega Manila.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Ang mga sumusunod ang participating sponsors ng Pera Sorpresa 5: Nesfruta, Petron, Sunflower Crackers & Sandwich, Surf Powder with fabric conditioner at VFresh.

Isulat lamang ang pangalan, edad, address, contact number at signature sa isang papel at isama ang required proof-of-purchase sa loob ng isang puting sobre.

Ilista sa likod ng sobre ang title ng promo, week number, POP/brand na nakapaloob, at ang pinapakinggang RGMA station.

Maaaring maghulog ng entries sa designated drop boxes na mahahanap sa mga piling Petron outlets, at mga RGMA Network Stations, or ipadala sa pamamagitan ng registered mail sa RGMA stations hanggang June 10, 2016.

Para sa karagdagang detalye sa pagsali, tingnan ang mga poster o bumisita sa www.facebook.com/PeraSorpresaNationwidePromo.