Tulad ng inaasahan, winalis ng Philippine team Batang Gilas ang five-game elimination nang durugin ang host Indonesia, 113-73, nitong Miyerkules sa 2016 SEABA (Southeast Asian Basketball Association) Under-16 Championship sa Medan, Indonesia.

Haharapin ng Batang Gilas ang Thailand sa championship match Huwebes ng gabi. Sa elimination game, tinambakan ng Batang Gilas ang Thai, 101-45.

Ratsada si Joshua Sinclair sa 25 na puntos at 10 rebound, habang kumana si Jolo Mendoza ng 14 na puntos.

Tangan ng Batang Gilas ang 47-34 bentahe sa halftime, at nagawang palobohin ang bentahe sa magaan na opensa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Iskor:

Philippines (113) —Sinclair 25, Mendoza 14, Tibayan 13, Flores 11, Yu 9, Mamuyac 8, Nelle 8, Lee 8, Bahio 6, Madrigal 5, Alfaro 5, Gozum 1.

Indonesia (73)— Noor 14, Hartono 13, Saputera 10, Titoaji 7, Maulana 7, Nathan 6, Ray 5, Rigwanto 4, Nikolas 3, Alvaro 2, Sunarko 2, Martua 0.

Quarterscores: 22-18; 47-34; 81-57; 113-73.