guingona copy

Napapanahon na para repasuhin ang ‘financial record” ng mga National Sports Association (NSA) upang papanagutin ang mga hindi tumatalima sa regulasyon ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ayon kay Senator Teofisto ‘TJ’ Guingona, miyembro ng Senate Sports and Youth Committee, na kakailanganin ang special audit para malaman ang gastusin ng iba’t ibang sports association at matukoy ang mga tiwaling opisyal.

“Ang role ng PSC ay suportahan at bigyan ng budget ang mga pangangailangan ng mga NSAs, pero ang nagyayari nagiging gatasan ang ahensiya ng mga tiwaling opisyal,”pahayag ni Guingona.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Dapat on time at malinis ang record ng mga NSA sa previous project nila bago bigyan muli ng bagong pondo. But the situation right now is not good dahil nagkakapatong-patong ang mga gastusin tapos wala namang proper liquidation,” aniya.

“Nagiging palakasan pa dahil kahit may kulang pa sa pamahalaan yung NSA nakakakuha ng bagong pondo dahil may ayuda ng mataas na opisyal, pahayag ni Guingona.

Aniya, kailangan makabuo ang PSC ng konkretong programa para ayudahan ang mga pambansang atleta sa kanilang pagsasanay at paghahangad na maging world-class athletes.

“Ang tagal na nating sumasali sa Olympics, pero hanggang ngayon wala pa tayong mapagwagihang gold medal,” aniya.

“What ails Philippine sports? Sa tingin ko marami, pero hindi pa huli ang lahat,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan, may anim na atletang Pinoy ang kuwalipikado nang maglaro sa Rio Olympics sa Agosto 5-21. Ang mga ito’y sina Eric Cray sa athletics, Ian Lariba sa table tennis, Kristine Alora sa taekwondo, Hidilyn Diz sa weightlifting at dalawang boxers.

Nais din ni Guingona na tutukan ang ‘Sports High School’ program na kasalukuyang nakabinbin ang naturang resolusyon sa Senado.

“Sa programang ito, bibigyan natin ng full support for sports development ang ating mga atleta sa high school,” aniya. (Angie Oredo)