Nasaktan si vice presidential candidate Camarines Sur Representative Leni Robredo sa pahayag ng kanyang karibal na si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na ang pag-angat niya sa survey ratings ay maaaring hulmahan ng pandaraya sa eleksiyon.

“Ang pagtawag sa atin na mandaraya ay pambabastos sa lahat ng mga tumutulong at nagtitiwala sa atin,” sabi ni Robredo nang hingan ng komento sa patutsada ni Marcos.

Ang tinutukoy ni Marcos ay ang huling SWS survey poll na nagpapakitang nakuha ni Robredo ang 26 na porsiyento at naungsan si Marcos, na mayroong 25 porsiyento, na nanguna sa mga nakaraang karera.

Nagsimula si Robredo, ang vice presidential bet ng Liberal Party, sa isang porsiyento noong nakaraang taon, at simula noon ay ipinakita ng survey ratings na pataas ang kanyang mga numero.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Ayon sa election experts, ang patuloy na pagtaas ni Robredo ay magbubunga ng sabungan nila ni Marcos sa vice presidential race.

“Now that I am number one, our rivals and their supporters are now hurling all kinds of propaganda against me,” wika ni Robredo.

Sinabi niya na inaasahan din niya na magpapatuloy ang kampo ni Marcos hindi lamang sa kanilang black propaganda kundi sa pagpapangako ng lahat para lamang makuha ang boto ng mamamayan.

“Maybe he would eventually apologize or maybe he would return the money that they have stolen from the Filipino people just to win,” ani Robredo.

Naging very vocal si Robredo laban kay Marcos bago pa man siya magsimulang umalagwa sa survey, itinuon ang kanyang atake sa pagtanggi ng huli na humingi ng tawad sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao sa panahon ng Martial Law.

“Dati na nila tayong niloko, huwag sana tayong magpapalokong muli,” diin niya. (Aaron B. Recuenco)