Pinalad na makakuha ng mas magaan na karibal ang kinatawan ng Pilipinas na Foton Toplander sa isinagawa na Asian Volleyball Confederation (AVC) Asian Women’s Club Championship drawing of lots kahapon, sa Foton showroom sa Quezon City.

Napasama sa Pool A ang Pilipinas kasama ang Vietnam na ikapito sa huling edisyon ng torneo. Makakasama nito ang Hongkong na bagong lahok pa lamang sa torneo.

Magkagrupo sa Pool B ang nagtatanggol na kampeong Thailand kasama ang ikaaanim na Korea.

Nasa Pool C ang pumangalawa sa huling edisyon na Japan kasama ang Kazakshtan na pumanglima. Nadagdag dito ang Indonesia.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasa Pool D ang China na pumangatlo kasama ang ikaapat na Taipei. Makakagrupo nito ang Malaysia at ang Turkmenistan.

“We hope for a Top 4 finish,” sambit ni ni Alvin Cu, Foton Team manager.

Agad na makakasagupa ng Pilipinas ang Hongkong sa una una nitong laro sa Setyembre 3, bago makaharap ang Vietnam sa ikalawa nitong laban. Ang 2016 Asian Volleyball Confederation (AVC) Asian Women’s Club Championship ay gaganapin sa Setyembre 3 hanggang 11, sa Mall of Asia Arena.

Pinamunuan ni AVC Sports Event Council Secretary at Secretary General ng Thailand Volleyball Association na si Jaksuwan Tocharoen at AVC marketing and development committee chairman Ramon “Tats” Suzara ang drawing of lots na siyang bumuo sa komposisyon ng mga kasaling bansa sa pool play sa pang-unang round.

Sinaksihan din ang draw nina Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. (LVPI) president Jose Romasanta, PSL Chairman Philip Ella Juico, Mr. Jerry Chuang, Director for Taipei Economic and Cultural Office Press Division, Rizany Irwan na Embassy of Malaysia counsellor at miyembro ng LVPI. (Angie Oredo)