TASHKENT, Uzbekistan – Bumuhat ng isang silver at dalawang bronze medal si Rio Olympics bound Hidilyn Diaz sa women’s 53-kg division ng 2016 Asian Weightlifting Championship sa Tashkent, Uzbekistan.

Nakopo ni Diaz, sasabak sa quadrennial Games sa ikatlong pagkakataon, ang silver medal sa clean-and-jerk sa bigat na 118 kilograms para tumapos sa likod ng kampeon na si Chen Xiaoting ng China.

Nakamit namang ng 25-anyos na si Diaz ang bronze sa snatch sa nabuhat na 90 kilograms sa likod nina Chen (96) at Zhang Wanqiong ng China (95).

Tumapos din sa pangatlo ang pambato ng Zamboanga sa total event tangan ang kabuuang nabuhat na 208 kilograms sa likod nina Chen (221 kg) at Zhang (211).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sumabak sa 2008 Beijing Games bilang wild card entry at qualifier sa 2012 London Olympics, hinihintay pa ni Diaz ang kumpirmasyon ng kanyang pagsabak sa Rio Games mula sa International Weightlifting Federation.

Nagwagi ng tatlong bronze medal si Diaz sa 2015 World Weightlifting Championship sa Houston.