PALAYAN CITY, Nueva Ecija – Hindi na nakauwi ang isang bading matapos siyang matagpuang patay sa imburnal ng isang fishpond sa Elpidio Cucio Farm sa Barangay Caballero sa lungsod na ito.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jayson Giray y Capunan, walang trabaho, at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa salaysay ng kapatid na si Jeffrey Giray y Capunan, umalis ng bahay ang biktima kasama ang isang Joey F. Elen at hindi na ito nakauwi.

Makalipas ang dalawang araw ng paghahanap ay nadiskubre nitong Lunes ang bangkay ni Jayson sa imburnal ng palaisdaan na dinaganan pa ng malalaking tipak ng bato. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog