Nagpahayag ng pagkabahala ang vice presidential candidate na si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos sa aniya’y “pattern of cheating” upang bawasan siya ng boto sa darating na eleksiyon.

Sinabi ni Marcos na ang pagbabawas ng boto sa kanya ay lumawak pa sa Overseas Absentee Voting.

Sa isang press conference sa Ormoc City, sinabi niya na bukod sa Hong Kong, nakatanggap din siya ng report na binabawasan din umano siya ng boto sa Dubai, Kuwait at Japan.

Nauna na rito ay napabalita na kahit si Marcos ang ibinoboto ng mga overseas Filipino worker (OFW) ay hindi ang pangalan niya ang lumalabas sa voter’s receipt kundi ang pangalan ni Senador Gringo Honasan.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

“Noong isang linggo, nakarinig kami ng balita ng ganitong insidente sa Hong Kong pero ngayon ay mayroon na rin kaming balita ng parehong insidente sa Dubai, Kuwait at Japan. Nitong umaga lamang, nakatanggap kami na mayroon na naman sa Okinawa. Mukhang may pattern na,” sabi ni Marcos.

Sinabi din ni Leyte Rep. Martin Romualdez, na kandidato sa pagkasenador, na may ganon ding insidente sa kanya sa Hong Kong.

“Sinabi sa amin na kapag nagrereklamo ang OFW, ‘noted’ lamang ang sinasagot (ng mga election officer),” ayon kay Romualdez.

Dahil dito nanawagan si Marcos sa Commission on Elections (Comelec) at sa service provider na Smartmatic na imbestigahan ang mga nabanggit na reklamo. (Beth Camia)