MADRID (AP) – Tinupad ni Barcelona star Lionel Messi ang binitiwang pangako kay NBA MVP Stephen Curry na bibigyan niya ito ng Barcelona shirt na may tatak ng kanyang pangalan kung aabot sa 10 milyon ang tagasubaybay niya sa social media network na Instagram.

Tagahanga ng five-time World Footballer of the Year si Curry.

Kamakailan, binigyan ni Curry ang Argentine superstar ng Warriors jersey na may lagda ng kanyang pangalan matapos umabot sa 30 milyon ang tagasubaybay nito sa Instagram noong Disyembre.

“As I promised I would, I’m sending you my shirt to celebrate you reaching 10 million followers on Instagram,” pahayag ni Messi sa kanyang mensahe sa Facebook nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

“It’s an honour for me to be able to share my jersey with you and it’s always a pleasure to watch you play.

“I hope to see you play for many more years to come and I wish you all the success possible,” aniya.

Nagbalik aksiyon si Curry matapos ang dalawang pagliban bunsod ng injury sa paa, ngunit nagtamo naman ito ng pinsala sa tuhod sa kaagahan ng Game 4 ng best-of-seven playoff series laban sa Houston Rockets.

Liyamado si Curry para sa ikalawang sunod na MVP matapos gabayan ang Warriors sa makasaysayang 73-9 karta ngayong season. May averaged 30.1 puntos si Curry kada laro at tinanghal na kauna-unahang player sa NBA na nakagawa ng 400 three-pointer sa isang season.