Ni MELL NAVARRO
SUCCESSFUL ang brain operation kay Julio Diaz sa St. Luke’s Hosptial (Global City) two weeks ago. Cerebral angiogram and coiling ang tawag sa medical procedure na ito, na “madugo” ang presyo.
Kamakailan, inilipat na si Julio mula sa ICU to a private regular room sa nasabing ospital, at kailangan pa siyang mag-stay ng ilang araw.
Ito ang masayang FB posts ng pamangkin ni July na si Mike Datuin at ng sister ng actor na si Ana, na nasa US ngayon, pero nakatutok sa monitoring ng mahal na kapatid.
In a few days ay maaari nang tumanggap at mag-entertain ng mga bisita si Julio on a scheduled visit (Saturday 3-6 PM, Sunday 2-6 PM).
Nai-share namin agad ang balitang ito sa FB, pati na ang latest photo ni Julio habang nasa ospital at “bumuhos” ang napakaraming LIKES at pasasalamat sa Diyos sa pagdinig sa kanilang mga dasal.
Aminado naman ang sister niyang si Ana na malaki-laki pa rin ang kanilang medical bills, pero ganoon pa man ay napakalaking bagay rin ang paghingi niya ng saklolo sa showbiz and non-showbiz people via social media, lalo na ang website na GoFundMe, kunsaan sila nakalikom ng substantial amount.
May narinig kaming naka-raise agad ang pamilya ng 400,000 pesos at malaking tulong ito sa expenses sa operasyon.
Noong kapo-post pa lang sa social media ng balitang kailangan ng rush brain operation ni Julio, at nangangailangan ng tulong pampinansiyal, a reliable source told us na ang ilan sa mga unang artistang agad nagbigay ng cash assistance ay sina Robin Padilla, Coco Martin, at Harlene Bautista, at sumunod na ang iba.
Bumuhos ang financial support sa pamilya ni Julio, at muling napatunayan sa showbiz na ‘pag may mga ganitong sitwasyon, nagkakaisa ang mga “meron” sa industriya.
For sure, ayaw ipa-announce ito nina Robin, Coco, at Harlene sa media (ganoon din ang iba pang celebs who helped), but we can’t help to give credit where credit is due, sa mabuti nilang kalooban, kaya naman patuloy ang blessings sa kanilang buhay.
Anyway, sa mga taga-showbiz na nais dumalaw kay Julio in the days to come, you can contact Ed Instrella, at sa mga non-showbiz naman ay kay Mike Datuin na pamangkin ni July, sa 0908-1494960.
Hiling ng pamilya ni Julio ang patuloy nating pagdarasal para sa kanyang full recovery. Glory to God indeed!