Hindi lamang ang main event ang pinananabikan ng boxing fans sa pagdepensa sa korona ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire, bagkus ang dalawang supporting bout na tatampukan ng dalawa sa sumisikat na fighter sa kampo ng ALA Boxing Promotion na sina Mark ‘Magnifico’ Magsayo at Jason ‘El Nino’ Pagara.

Haharapin ni Magsayo ang dating world title challenger na si Chris “The Hitman” Avalos ng United States para sa bakanteng WBO International Featherweight Championship, habang mapapalaban si Pagara kay Miguel “Mikol” Zamudio ng Mexico sa Cebu City Sports Complex.

Ipinapalagay na sa susunod na henerasyon ng Philippine boxing, malinis ang karta ni Magsayo sa 13 pro fight, tampok ang anim na knockout. Nakopo niya ang bakanteng WBO Youth Featherweight title laban kay Eduardo Motoya.

Sa edad na 20, batak na sa karanasan si Magsayo, subalit mas beterano ang kanyang katunggali na may 30 panalo sa walong taong career. Hindi rin bago sa kanya ang istilo ng Pinoy matapos magwagi kina Drian Francisco at Rolly Lunas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Napagwagian ng “The Hitman” ang WBO, NABO at Inter-Continental Super Bantamweight title.