Binuweltahan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang katunggali nito sa pagkapangulo na si Vice President Jejomar Binay sa hamon ng huli na magpa-psychological test ang alkalde dahil sa mga kontrobersiyal na pahayag nito, kamakailan.

“Sinabi ni Binay na dapat kaming sumailalim sa psychological test. Ang sabi ko, delikado sa kanya, dahil baka mag-back fire nito dahil baka lumitaw sa resulta ng psychiatric test na ‘makati’ ang kanyang kamay. Ito ang dahilan kung bakit dun ka inilagay ng Diyos,” pahayag ni Duterte.

Ikinasa ni Binay ang naturang hamon matapos mailathala sa media na ang dahilan ng pakikipaghiwalay ni Duterte sa maybahay nitong si Elizabeth Zimmerman, ay may problema umano sa pag-iisip ang alkalde.

Subalit si Zimmerman, at anak nilang sina Paolo, Sarah at Sebastian, ay aktibong nangangampanya para sa kandidatura ni Duterte sa nakalipas na mahigit isang buwan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Habang nasa Toledo City sa Cebu, pinangunahan ni Zimmerman ang isang salu-salo sa isang restaurant nang sorpresang dumating si Duterte at hinalikan at binigyan ng bulaklak ang kanyang dating maybahay, na nasaksihan ng isang malaking grupo ng mga tagasuporta ng alkalde. (Jonathan Santes)