Nagbitiw sa kanyang puwesto si RCBC Treasurer Raul Tan sa gitna ng imbestigasyon sa $81 million money laundering na kinasasangkutan ng dating branch manager ng bangko na si Maia Santos-Deguito.

Sinabi ng RCBC na iniabot ni Tan ang kanyang resignation letter, epektibo Abril 20, kahit na nilinaw ng bangko na wala siyang kinalaman sa anomalya.

“Out of decency and honor, and despite his lack of involvement in the same, he tendered his resignation because of command responsibility, as RCBC Jupiter, Deguito – whose culpability has been clearly and convincingly established – was under him,” pahayag ni Atty. Macel Estavillo ng RCBC. (MB Online)
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji