Gaganapin ang ikalawang session ng San Beda basketball camp ngayong tag-init simula Mayo 3, sa Mendiola campus.

Ngayong ika-11 season, ang programa ay bukas para sa lahat ng basketball fanatic at sports enthusiast. Sa mga nagnanais na lumahok, makipag-ugnayan kay Oliver Quiambao sa tel blg. 735-6011, local 2104, o mobile no. 0947-8221544.

Isasagawa ang cage clinics para sa batang lalaki at babae, tuwing Martes at Huwebes simula Mayo 3 hanggang 27, sa ganap na 1:00 hanggang 4:00 ng hapon.

Sa Taytay campus, magsisimula ang camp class sa Mayo 12 hanggang Hunyo 2, tuwing Lunes at Huwebes sa ganap na 8:00 ng hanggang 11:00 ng umaga.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Ang registration fee ay P3,500 kasama ang libreng camp set na binubuo ng training shirts at bagong bola ng Molten ball.