LINGAYEN, Pangasinan - Patuloy na pinag-iingat ang publiko laban sa matinding init ng panahon, dahil delikado ang sinuman na dapuan ng heat stroke—na maaaring ikamatay.

Una nang pinaalalahanan ng Department of Health (DoH) ang mga kandidato sa mag-ingat sa pangangampanya ngayong tag-init, at kamakailan, isang konsehal na re-electionist ang nasawi habang nangangampanya sa Mangaldan, Pangasinan.

Heat stroke ang ikinamatay ni Councilor Alfred Soriano, re-electionist sa ilalim ng Liberal Party, habang nangangampanya nitong Lunes.

Nawalan umano ng malay si Soriano matapos makaramdam nang pagkahilo sa kasagsagan ng political rally sa Barangay Alitaya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kaugnay nito, pinayuhan ni Dr. Policarpio Manuel, ng Pangasinan Provincial Hospital, ang publiko na kung wala namang gagawing mahalaga sa labas ay manatili na lang sa bahay, partikular sa mga oras na tirik ang araw.

Iminungkahi rin niya ang pag-inom ng maraming tubig. (Liezle Basa Iñigo)