Pinawalang-sala kahapon ng Sandiganbayan si dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman Camilo Sabio kaugnay ng kinakaharap na kasong graft at malversation na nag-ugat sa paglustay umano nito ng halos P12 milyon mula sa ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

“Wherefore, premises considered, and for insufficiency of evidence engendering reasonable doubt, judgment is hereby rendered acquitting herein accused Camilo Sabio y Loyola from the charge of violation of Section 3(e) of RA 3019 and malversation…So ordered,” bahagi ng 37-pahinang ruling ng 4th Division ng anti-graft court.

Paliwanag naman ni Sabio, may bahid-pulitika ang nasabing mga kaso na kagagawan umano ng kasalukuyang administrasyon.

Aniya, ang kanyang posisyon ay ibinigay sa kanya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong nasa posisyon pa ito. (Rommel P. Tabbad)

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara