bea-zanjoe-012116 copy

“Malapit ng magkabalikan sina Zanjoe (Marudo) at Bea (Alonzo), nag-uusap sila tungkol sa relasyon nila. Bet naman kasi nila ang isa’t isa,” sitsit ng aming source.

Hindi na kami nagulat sa info na ito dahil nakikita naman sa mga litratong naglabasan sa social media kapag may gimik na palaging magkatabi ng upuan sina Zanjoe at Bea.

Marami na rin ang nagsabi sa amin na in speaking terms nga raw ang ex-lovers, at naniniwala sila noon pa man na puwede ngang magkabalikan ang dalawa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Bakit nga naman pipigilang magbalikan ang dalawa kung mahal naman nila ang isa’t isa?

Pareho naman nila itinanggi ‘yong tsika dati tungkol kina Bea at John Lloyd Cruz. Saan ba kasi galing ang tsikang ‘yun?

Kasi kung type talaga ni JLC si Bea, e, di sana noon pa niya niligawan. Knowing Lloydie, mabilis kaya siya sa babae, di ba, Sarah Geronimo?

Kaya ang karakter na Popoy at Basha ay hanggang pelikula lang talaga at hindi sa totoong buhay.

Ang aabangan na lang natin ‘pag nagkabalikan na sina Zanjoe at Bea ay kung pag-uusapan na nila ang future nila dahil matanda na sila para sa boyfriend/girlfriend relationship. Agree ka, Bossing DMB? Hmmm, parang hindi, ‘no?

(Hindi kung lolokohin na naman lang uli ni Zanjoe si Bea. Pero kung seseryosohin na niya, go! Meantime, habang ‘di pa sila nagkakabalikan, abangan natin ang bagong teleserye ni Bea na sisimulan na ang taping next month. –DMB)

(REGGEE BONOAN)