BRASÍLIA (AFP) – Sinabi ni President Dilma Rousseff nitong Lunes na galit siya sa boto ng Congress na nagpapahintulot sa impeachment proceedings laban sa kanya at nangakong patuloy na lalaban.

Sa emosyonal na pagsagot niya sa publiko kaugnay sa botohan noong Linggo, sinabi ni Rousseff na hindi siya susuko ngayong umakyat na ang kaso sa Senate para sa posibleng paglilitis. ‘’I have strength, spirit and courage. I will not be beaten, I will not be paralyzed. I will continue to fight and I will fight as I did all my life,’’ aniya sa live television.

Bumoto ang lower house na iharap si Rousseff sa Senate para litisin sa mga alegasyong illegal niyang minanipula ang mga account ng gobyerno sa kanyang reelection noong 2014 upang pagtakpan ang malaking kakulangan sa pondo.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina