Naniniwala si Senator Teofisto Guingona III na mahalaga ang testimonya ng messenger ng Philrem Service Corporation sa patuloy na imbestigasyon kaugnay ng US$81 million na tinangay sa Bangladesh at idineposito sa isang sangay ng bangko sa Pilipinas.

Kasabay nito, muling nagsauli si Kim Wong ng P200 milyon na bahagi ng nawawalang $81 million.

Sa kanyang testimonya, itinuro ng messenger na si Mark Palamares si Salud Bautista, may-ari ng Philrem, na nag-utos para dalhin ang P90 milyon at US$500,000 na inilagay sa trolley bag, sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque City noong Pebrero 5.

Sinabi pa ni Palmares na tinulungan siya ng kanyang tiyuhin na si Ronilo Palmares, pero siya lang ang nagdala ng trolley bag patungo sa hotel room ni Bautista.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Inayunan naman ni Bautista si Palmares at sinabing ibinigay niya ang pera sa junket operator na si Weikang Xu. 

“Actually, si Mr. Wong was there, so, sabi niya, player niya si Weikang Xu, so, siya na ang nag-identify kaya kinuha ko na lang ang passport at pinapirmahan ko kay Mr. Wong,” ayon pa kay Bautista. (Leonel Abasola)