Marvin copy

WALA raw ni katiting na inggit si Marvin Agustin sa kaibigan niyang si Dominic Ochoa na nabigyan ngayon ng pagkakataon ng ABS-CBN na magbida sa pinakabagong serye na Super D.

May mga nang-iintriga kasi kay Marvin na kesyo mas binigyan ng importansiya ng istasyon si Dominic kaysa sa kanya na in fairness naman daw ay may karapatang bigyan ng isang pinagbibidahang serye.

“Kuntento na rin naman ako sa mga ibinigay na project sa akin ng Dos. I mean, maganda pa rin naman kahit na sabihin na nating maraming iba riyan na mas bata at mas maraming mga fans ngayon,” sey pa ni Marvin. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dagdag pa ni Marvin, deserving si Dominic na mabigyan ng ganito kalaking pagkakataon. Mahusay naman talagang umarte at very professional si Dominic Ochoa. Bukod dito, kitang-kita naman daw ng lahat na pagdating sa pakikisama at sa trabaho ay walang maipipintas sa kaibigan niya. 

“Mabait at hindi mareklamo si Dominic. Matagal na rin naman niyang hinintay ang pagkakataon na ‘yan,” lahad pa ni Marvin. 

Kasama nila sa Super D na napapanood p ngayon sa Primtime Bida ng Dos bago mag TV Patrol sina Marco Masa, Sylvia Sanchez, Ronaldo Valdez, Jason Francisco, Jayson Gainza, Marina Benipayo, Atoy Co, Myrtle Sarrosa, Jef Gaitan, Louie Domingo, at Bong Regala. 

May espesyal na partisipasyon din sina Richard Yap, Lara Quigaman, at Ronnie Lazaro. Ito ay mula sa panulat ni Shugo Praico at sa direksyon nina Frasco Mortiz at Lino Cayetano under Dreamscape Entertainment. (Jimi Escala)