Kailangang isauli ng mga opisyal at empleyado ng Social Security System (SSS) ang P41,311,073.83 cash incentive na kanilang natanggap kasunod ng pagbasura ng Commission on Audit (CoA) sa apela ng ahensiya kaugnay ng nasabing halaga ng audit disallowances.

Inaasahang muling ikagagalit ng publiko, iginiit ng state auditors na irregular ang pamamahagi sa nabanggit na halaga ng cash perks, dahil kabilang sa mga nakinabang ang ilang ehekutibo ng SSS, gayung ang insentibo ay para lamang sa mga rank-and-file employee, alinsunod sa Collective Negotiations Agreement (CAN).

Matatandaang sinisisi ang mga opisyal ng SSS sa pagbasura ni Pangulong Aquino sa panukalang inaprubahan ng Kongreso para dagdagan ng P2,000 ang buwanang pensiyon ng mga retiradong kasapi ng ahensiya, dahil umano sa kakapusan ng pondo.

Sa kanilang desisyon na isinapubliko nitong Lunes, idineklara ng CoA na “final and executory” ang disallowance order na inisyu nito kaugnay ng cash incentives, at iginiit na irregular ang nasabing benepisyo.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ibinasura nina CoA Chairman Michael G. Aguinaldo at Commissioner Jose Fabia ang petition for review na inihain ng SSS, sa pamamagitan ng Corporate Legal Department nito, at pinagtibay ang ruling ng komisyon noong Pebrero 20, 2015, na nagsasabing ilegal ang pamamahagi ng nabanggit na insentibo. (Ben R. Rosario)