new chris copy

NAGING emosyonal si Chris Brown sa harapan ng kanyang mga tagahanga sa bago niyang documentary na pinamagatang Welcome to My Life.

Noong 2009, inaresto si Brown dahil sa domestic violence case, at kinasuhan ng pananakit, matapos sugurin ang dati niyang nobya na si Rihanna noong Grammy Awards night. Si Brown ay nahatulang guilty, ipinakumpleto ang community service na iniatas ng korte.

“I felt like a f**king monster,” pagbabalik-tanaw ni Brown, na halos mautal habang inilalahad ang kasong isinampa ng dating kasintahan. Ayon sa 26 na taong gulang na singer, mula sa pagiging “America’s Sweetheart” ay napunta siya sa pagiging “public enemy number one.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“That was the worst day of my life and probably his life,” dagdag naman ng ina ni Brown na si Joyce Hawkins. “I felt like I was going to lose my child.”

Inamin ng R&B artist na pumasok na sa kanyang isipan na magpakamatay dahil sa kinaharap na problema. “I was thinking about suicide and everything else,” ani Brown. “I wasn’t sleeping, I wasn’t eating. I just was getting high.”

Kaugnay sa pagsisiwalat ng mga masalimuot na karanasan sa buhay ni Brown, ilang musikero — kabilang na sina Jennifer Lopez, Usher, Jamie Foxx, Rita Ora at DJ Khaled – ang nag-usap-usap tungkol sa potensiyal ng Forever singer. “He definitely has his finger on the pulse of the sound,” sabi ni J.Lo.

Ayon naman kay DJ Khaled, “I knew he was going to be the next superstar the day I met him.”

Samantala, ipinagdiinan ni Brown na hindi pa siya nakahandang talikuran ang buhay bilang mang-aawit. “If there was ever a doubt in your mind that Chris Brown was done, he was finished, I wouldn’t bet on it,” diin niya.

Inaalam pa rin hanggang sa kasalukuyan kung kailan ilalabas ang Welcome to My Life.

Taong 2014, sa panayam ng E, naging bukas si Brown at sinabing pinatawad na niya ang sarili sa mga pagkakamaling nagawa niya.

“You can’t beat yourself up over the years,” ani Brown. “Because it’ll just eat at you and you’ll be stuck in the past. And for me, I just learned to be a more humble individual and more of a conscious person.” (ET Online)