AMMAN, Jordan (AP) — Sinabi ng prime minister ng Jordan noong Lunes na nagpasya ang gobyerno na huwag nang ituloy ang planong magkabit ng mga surveillance camera sa pinakasensitibong holy site ng Jerusalem, isinantabi ang U.S.-brokered pact para mapahupa ang tensiyon sa magulong hilltop compound.

Nangyari ang desisyon ilang araw bago ang Passover — ang panahon ng maraming aktibidad sa site. Ang lugar ay itinatangi ng mga Jew, na tinatawag itong Temple Mount, at ng mga Muslim, na tinatawag naman itong Noble Sanctuary.

Madalas mangyari rito ang madudugong sagupaan ng mga Palestinian at Israeli.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture