Pinalad na nakaligtas sa kamatayan ang dalawang street sweeper ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nahagip ng tatlong nagkarambolang kotse sa underpass sa Cubao, Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Cristina Carreon, 50, Tondo, Manila, at Renato Bakian, 57, ng Pasig City.

Base sa report ni P/Supt. Richie Claraval, hepe ng Quezon City District Traffic enforcement Unit (QCDTEU), dakong 9:00 ng umaga, nagwawalis sa EDSA, Cubao ang mga biktima nang biglang magkabanggaan ang Nissan Urvan, Altis at KIA Soreto na patungong Quezon Avenue. Nahagip ng banggaan si Carreon at tumilapon habang si Bakian ay nadapa. Isinugod sila ng MMDA rescue team sa East Avenue Medical Center.

Kusa namang sumuko ang mga driver ng tatlong kotse sa Traffic Sector 3, at nahaharap ngayon sa reckless imprudence resulting to physical injuries. (Jun Fabon)

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne