Inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang manhunt para sa mahigit 600 dayuhan na iniutos na ipatapon ng ahensiya dahil sa mga paglabag sa immigration laws ng Pilipinas, napag-alaman kahapon.

Inatasan ni BI Commissioner Ronaldo Geron ang intelligence division ng bureau na tugisin ang mga dayuhan na nakalalaya pa rin at nagtatago sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ang mga banyagang ito ang target ng mga summary deportation order na inilabas ng BI board of commissioners matapos mapatunayang nakagawa ng iba’t ibang pagkakasala.

Bilang pagtupad sa direktiba ni Geron, inilarga ni BI intelligence chief Rommel de Leon ang ilang grupo ng immigration agents para tugisin ang mga wanted na dayuhan. (Jun Ramirez)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji