PANIQUI, Tarlac - Pansamantalang nakakulong ang isang lalaki na nambugbog sa kanyang misis na pinagbintangan niyang nangangaliwa sa Purok 7, Barangay Samput sa Paniqui, Tarlac.

Kinilala ni PO1 Joan Payad ang suspek na si Ruben Diaz, 48, tubong Mangaldan, Pangasinan, at residente sa nasabing barangay.

Nanira pa umano ng mga kasangkapan sa bahay ang suspek sa tindi ng galit sa 47-anyos niyang asawa, na pinagbantaan niyang papatayin kapag hindi sumama sa kanya sa Pangasinan.

Dakong 10:00 ng umaga nang sabunutan at mariing hawakan sa panga ng suspek ang ginang, sa harap ng paslit nilang anak. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?