Naisalpak ni PBA prospect Kiefer Ravena ang buzzer-beating three-pointer para sandigan ang Mighty Sports sa makapigil-hiningang 84-83 panalo sa overtime kontra Foton sa PCBL Chairman’s Cup kahapon sa Malolos Sports and Convention Center.

Nakuha ng Gilas Pilipinas mainstay ang pasa at kaagad na ibinato ang bola at sa layong 28-talampakan at nagawang maibuslo ang bola na naging dahilan para sa matinding selebrasyon ng mga tagasuporta.

“Ang sama ng nilaro namin, but the final score is the most important thing,” pahayag ni Ravena.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“This is probably one of my biggest game-winners. Swerte na-shoot. Sana pang-bawi ito sa missed free throw last time,” aniya.

Ito ang ikapitong panalo ng Mighty habang natikman ng Foton ang ikalimang kabiguan sa siyam na laro sa torneo na itinataguyod ng Hahn Manila, Gerry’s Grill, During’s Barbeque and Restaurant, LGR, Spalding at Ambucore.

Bunsod ng panalo ng Mighty, naisantabi ang usapan para sa panalo ng SCTEX kontra Sta. Lucia Realty, 78-65, na pumutol sa kanilang three-game losing skid.

Iskor:

(Unang laro)

BIYAHENG SCTEX (78) – Villarias 14, Akomo 12, Soyud 11, Pangilinan 10, Sumalinog 9, Raymundo 8, Hermida 6, del Rosario 4, Reyes 2, Batino 2, Vitug 0.

SANTA LUCIA (65) – Eze 15, Vidal 10, Bautista 8, Javelona 7, Escosio 6, Jamito 6, Salado 5, Camasura 2, Castanarez 2, Ilagan 2, Bangga 2, Gabriel 0.

Quarterscores: 19-15, 44-41, 64-57, 78-65.

(Ikalawang laro)

MIGHTY SPORTS (84) – Ravena 19, Akhuetie 18, Ferrer 15, Banal 12, Lopez 6, M. Bringas 6, Montilla 4, Regalado 2, A. Bringas 2, Mangahas 0, Celada 0, Wongchuking 0.

FOTON TOPLANDER (83) – Rivera 18, Abaza 16, Nacpil 16, Moraga 15, Gomez 10, Ouattara 6, Hernandez 2, Mallari 0.

Quarterscores:

10-18, 28-38, 52-54, 71-71 (reg.), 84-83 (OT).