LIPA CITY, Batangas - Sugatan ang isang barangay chairman matapos siyang pagbabarilin habang nasa basketball court sa Lipa City, Batangas, nitong Linggo.

Isinugod sa NV Villa Hospital sa lungsod si Alfredo Mendoza, chairman ng Barangay Pinagkawitan, habang nasugatan din sa ligaw na bala si Rusel Maldonado, na natamaan sa beywang.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 8:30 ng gabi nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek si Mendoza.

Agad na tumakas ang suspek, sakay ng motorsiklo, patungo sa direksiyon ng Padre Garcia. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog