CABANATUAN CITY - Umani ng papuri ang mga taga-Zambales makaraang kilalanin ito ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Ricardo C. Marquez bilang pinakapayapang probinsiya sa Central Luzon matapos ang command conference kaugnay ng mga paghahanda sa eleksiyon sa Mayo 9.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Zambales Gov. Hermogenes Ebdane, Jr. kay Marquez sa pagtukoy sa Zambales bilang “most peaceful province” sa buong Region 3.

Kasabay nito, binalaan ni Marquez ang lahat ng pulis na iwasang masangkot sa partisan politics. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog