Mahigit 24,000 ang pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) na makilahok sa local absentee voting (LAV).

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, sa kabuuang 28,705 aplikante ay 24,815 lang ang pinayagang makaboto sa LAV sa Abril 27-29.

Hindi naman tinukoy ng komisyon ang dahilan kung bakit na-disapprove ang 3,891 aplikante.

Kabilang sa mga pinayagang bumoto sa LAV ang mga indibiduwal na hindi makakaboto sa Mayo 9 dahil may mahalaga gagampanan sa halalan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kuwalipikado sa LAV ang mga miyembro ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, mga guro, at mga miyembro ng media.

Sa ilalim ng LAV, ang iboboto lang ay presidente, bise presidente, mga senador, at party-list group.

(Mary Ann Santiago)