TALAVERA, Nueva Ecija - Isang tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang 46-anyos na dating barangay chairman at kandidato ngayon sa pagka-konsehal makaraang pagbababarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Barangay San Pascual, nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ni Supt. Rogelio R. Ramos, Jr., kay Talavera Mayor Nerivi Santos-Martinez, agad na namatay si Gerald Fermin, alyas “Elay”, 46, may asawa, dating chairman ng Bgy. San Pascual, at ka-ticket ng re-electionist na si Martinez.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 11:30 ng gabi at nanggaling sa isang basketball tournament at sa lamay ng isang kabarangay si Fermin nang lapitan at barilin ito sa batok ng isa sa mga suspek.

Naniniwala naman si Ramos na hindi politically motivated ang pagpatay kay Fermin. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol