Gina at Alden copy

WAGAS ang araw-araw na bashing na tinatanggap ni Alden Richards, pero hindi na lang ito pinapatulan ng mabait na actor. Ipinapasa-Diyos na lamang niya dahil ang lahat bagamat alam niyang may mga magtatanggol naman sa kanya.

Tama si Alden, dahil heto ang post ni Direk Gina Alajar sa Instagram, matapos na hindi sinasadyang nagkita sila sa GMA Network Annex Building last Thursday afternoon.

“Nagkagulatan kaming dalawa nang magkasalubong kami sa stairs ng GMA after my photo shoot and siya naman going to his rehearsals for Sunday Pinasaya. @aldenrichards02 can brighten up anyone’s day by his sweetness and very warm attitude. And of course he saw my previous post you will always have my support Tisoy. This post is to all the bashers out there. You cannot put a man of faith down! Jesus loves you, Tisoy.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

At ang sinasabi ni Direk Gina na isa pang post niya sa IG: “This photo of Alden and I has been in instagram since March, 2013. I directed him in his life story for Magpakailanman in 2013, no kalyeserye, no AlDub, no commercials yet... You have gone a long, long way @aldenrichards02. I’m very happy for you! Stay grounded and grateful.”

Pahinga muna si Direk Gina sa pagdidirek ng drama series sa GMA-7 at mag-aartista raw naman siya sa Magkaibang Mundo na pagbibidahan ng bagong love team sa GMA na sina Louise delos Reyes at Juancho Trivino.

Siya rin ang kinuha ng TAPE Inc. para isailalim sa acting workshop si Maine Mendoza bilang paghahanda sa gagawing movie nila ni Alden for APT Entertainment na ididirek ni Michael Tuviera. Balitang next week ay magsisimula na ang shooting ng movie for their first anniversary as a love team. (NORA CALDERON)