NAKAPAGTATAKA ngunit nakababahala ang balitang ito na kinumpirma ng isang dalubhasa. Ayon kay Dr. Ma. Cecille Anonuevo Cruz, ng Philippine Society of Endocrinology, Diabetes and Metabolism, nakakapagpatindi o nakakapagpataas ng tinatawag na “stress hormones” ang sobrang trapik.

Ang hormones, aniya, ang nagre-regulate sa pagtanggap ng asukal ng ating katawan.

Sabi ng isang pilosopong nakausap ng kolumnistang ito: “Bakit magiging sanhi ng diabetes ang trapik? Hindi naman asukal ang nalalanghap ng mga commuter at mga driver kundi usok at alikabok?”

Ang mabagal na daloy ng mga sasakyan, ayon pa kay Dr. Cruz, ay nagiging dahilan din ng kakulangan sa pahinga at pagtulog ang isang tao. Hindi rin makapag-exercise ng regular na kailangan ng katawan. At sapagkat nasasayang umano ang panahon ng tao dahil sa trapik, napipilitan na lamang itong kumain sa mga fastfood o kumain ng mga tira-tirang pagkain sapagkat wala nang panahong magluto. At ang mga ganitong uri ng pagkain ay nagiging dahilan din ng diabetes.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nakakabahala ang balitang ito pero malaki ang posibilidad na may negatibong epekto nga sa ating kalusugan ang trapik. At kung ganito nga ang sitwasyon, saang sulok ka man magpunta ay trapik, lalo na sa Metro Manila, mas malamang kaysa hindi ay mas bababa ang edad ng taong may diabetes. Makakaiwas ka nga sa pagkain ng matatamis, pero makakaiwas ka ba sa trapik?

Anim na taon na o higit pa ang “Tuwid na Daan” ng kasalukuyang administrasyon, pero walang daan na walang trapik.

Kung anu-anong programa ang ipinagsisigawan ng mga kandidato pero ang paglutas sa trapiko ay hindi nila binabanggit.

Hindi mabanggit ni Sec. Mar Roxas ang problema sa trapiko kahit na naging Kalihim siya ng DOTC. Hindi rin niya maipagmalaki ang MRT at LRT sapagkat maya’t maya ay tumitirik.

Hindi rin nababanggit ni Vice President Binay ang transportasyon at ang TRAPIK dahil naging abala siya noon sa ipinagawang parking building sa Makati City.

Maging sina Sen. Grace Poe at Mayor Duterte ay tameme tungkol dito. Kaya hintayin na lamang natin na magka-DIABETES ang lahat ng Pinoy. Pati na rin si PNoy. (Rod Salandanan)