NAPADAAN kami sa Bench store sa isang sosyal na mall noong Miyerkules ng gabi at narinig namin ang sinabi ng ilang estudyante habang inaamoy ang pabango na ipinangalan sa kilalang TV host/singer na, “Amoy matanda! pati bote, design matanda, ha, ha, ha.”

Hinintay muna naming makalayo ang ilang estudyante at saka namin inamoy ang nasabing pabango at totoo nga, Bossing DMB pang-DOM ang amoy, ha-ha-ha.

Parang ganito ‘yung amoy kapag may mga nadadaanan kaming kalalakihang nagmumurang kamias na nag-uusap-usap sa mall.

Sa madaling sabi, hindi mga bagets ang target market ng pabango ni TV host/singer. Sabagay, pati ang bote ay parang kanta ng Hagibis na, ‘Legs, legs, leg mo ay nakakasilaw.’

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne

Nagtanong kami sa staff ng tindahan kung anong scent ang laging binibili,

“’Yun pong kay _____ (personalidad na sosyal at nagmamay-ari ng franchise ng mamahaling sapatos na produkto ng United Kingdom). At saka po ‘yung kay _____ (TV host), suwabe kasi ang amoy, mga estudyante at nag-oopisina ‘yun ang binibili, lagi nga kami nauubusan ng stocks.”

Hindi na namin inamoy ang mga pabangong binanggit sa amin dahil naamoy na namin iyon at in fairness, mabango nga at hindi masakit o masangsang sa ilong.

“Depende po siguro sa tao,” sabi pa ng staff. “‘Yung iba kasi gusto matapang ang amoy, ‘yung iba naman, gusto parang cologne lang, parang bagong paligo.”

‘Totoo ka naman diyan, kuya, sabi namin sa staff ng Bench na very accommodating sa lahat ng customers nila.