ANG climate change na nagiging dahilan ng maalinsangang panahon ay kailangan na lamang tanggapin ng mga tao. Dahil dito kung bakit tayo nakararanas ng iba’t ibang kalamidad, katulad na lamang ng bagyong Yolanda na rumagasa sa ating bansa noong 2014, at ngayon naman ay ang El Niño na sumisira sa mga panananim sa iba’t ibang rehiyon dahil natitigang sa sobrang init ng panahon.
Gayunman, kahit na anong paraan ang gawin ng Albay ay hindi pa rin tuluyang mapupuksa an climate change. Tinanggap na lamang ng mga taga-Bicol at sinanay ang kanilang mga sarili, at gumawa ng paraan upang mawakasan ito.
Madalas ragasain ng mga bagyo at pag-alburoto ng mga bulkan, naging matagumpay pa rin ang Albay na harapin ang climate change na may karangalan— limang National Disaster Risk and Reduction Management Council’s (NDRRMC) Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan, Sariling Galing ang Kaligtasan) awards Hall of Fame.
Ang Gawad Kalasag ay isang NDRRMC honors scheme na kumikilala sa mga local government units (LGUs), institusyon at organisasyon para sa kanilang walang-kapantay na pagsisikap pagdating sa aksiyon kontra kalamidad at sakuna. Upang mapasama sa nasabing pagkilala, kinakailangang manalo ang mga kalahok ng talong parangal sa magkakasunod na taon.
Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, wala silang sikreto sa kanilang estratehiya. Pinagtuunan lamang umano nila ang disaster preparedness at Zero Casualty, “as ordinary as taking a bath daily.“
Aniya, “We pray Oratio Imperata together, stand up together, help one another. Preemptive evacuation is of course our highest form of prayer since it is essentially a community prayer in obedience to God’s command to avoid danger and temptations,”. (Johnny Dayang)