Ang canvassing ng mga boto para sa mga senador at mga kinatawan ng party-list ay isasagawa sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Ito ang sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na napagpasyahan ng en banc nitong Martes.

“National Board of Canvassers back to PICC not Manila Hotel,” sabi ni Guanzon.

Sinabi ni Guanzon na ipinasa rin ng en banc ang resolusyon na nag-aapruba sa pagbubukas ng isang tanggapan ng Comelec sa Negros Island Region, batay sa isang Executive Order.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Nauna rito, ikinonsidera ng poll body na gawin ang canvassing sa tent na katabi ng Manila Hotel, ngunit pinili, aniya, ng ilang grupo na gawin ito sa PICC.

Sa PICC rin isinagawa ang canvassing ng mga boto para sa mga senador at party-list representatives sa nakalipas na mga eleksiyon. (Leslie Ann G. Aquino)