Magbubukas ang ika-10 edisyon ng Fil-Oil Flying V Pre Season Premier Cup sa Abril 30 sa San Juan Arena.
Inaasahan ang maagang sukatan ng mga collegiate rivals San Beda at Letran sa NCAA at Ateneo- La Salle sa UAAP na magtatapos sa Hunyo 12.
May kabuuang 16 na koponan, siyam mula sa NCAA at pito sa UAAP ang hinati sa dalawang grupo para sa seniors division habang ang top 5 teams noong nakaraang taon ng dalawang liga ang maghaharap-harap naman sa juniors division.
Nasa Group A ang reigning UAAP champion Far Eastern University, National University, University of the Philippines, University of Perpetual Help, San Sebastian College, College of St.Benilde, Arellano University at Emilio Aguinaldo College.
Magkakasama naman sa Group B ang NCAA champion Letran, Ateneo, La Salle, San Beda, Adamson, Mapua,University of the East at Lyceum.
Hindi sumali ang University of Santo Tomas para sa UAAP habang ang Jose Rizal University naman ang hindi lumahok sa NCAA.
May single round robin ang torneo na pamamahalaan ni coach Ato Badolato bilang commissioner at knockout game naman sa quarters hanggang finals.
“This year stories will still be about the teams just like in 2011,” sambit ni tournament director Joey Guillermo.
“Back then,the excitement were brought about by new players coming in.Now the interest is because of the changes of coaches, the one’s behind the stories and the rebuilding of the teams,” aniya.
Sa juniors division, magkakasama sa Group A ang Arellano U, FEU-FERN, La Salle Greenhills, Mapua at UAAP champion NU habang nasa Group B naman ang Adamson, Ateneo, La Salle- Zobel, Lyceum at NCAA champion San Beda Red Cubs. (Marivic Awitan)