enchong at kiray copy

TUWANG-TUWA si Kiray Celis noong Lunes ng gabi at madaling araw na nang mag-post ng, “Look test and storycon tomorrow for a new movie!”

Kaagad naming kinontak via private message at tinanong kung anong pelikula ito.

“’Di ko pa po alam sino mga kasama ko. Sa RegalIdea First company po. Pero ako po ulit lead,” sagot ni Kiray.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ito ang follow-up movie ng blockbuster hit movie niya na Love is Blind.

Matatandaang pumirma si Kiray ng 6-picture exclusive contract sa Regal Entertainment dahil naniniwala si Mother Lily Monteverde sa kakayahan niyang magdala ng pelikula.

Samantala, nagtanong kami sa isinagawang storycon kahapon at nalamang si Enchong Dee pala ang leading man ni Kiray.

Sa titulo pa lang na I Love You To Death, ididirek ni Miko Libelo, comedy na agad.

Samantala, labis-labis ang pasasalamat ni Kiray sa rami ng blessings na dumarating sa kanya at umaabot na raw sa puntong tatlong araw siyang hindi natutulog kundi idlip-idlip lang.

Marami kasing out of town shows si Kiray at regular siya sa #ParangNormalActivity na napapanood sa TV5 tuwing Sabado, 7 PM. (REGGEE BONOAN)