MUKHANG BOLA!  Natakpan ng bola ang mukha ni Beau Belga ng Rain or Shine nang matapik ni Kyle Pascual ng Blackwater sa isang tagpo ng kanilang laro sa PBA Commissioner’s Cup kagabi, sa Smart-Araneta coliseum.   ERNIE SARMIENTO

Napanatili ng Rain or Shine ang kampanya para sa top 2 slots sa quarterfinals nang pabagsakin ang Blackwater Elite, 118-107, kahapon sa OPPO-PBA Commissioner’s Cup, sa Smart-Araneta Coliseum.

Pinangunahan ni JR Quinahan ang Paintmasters sa natipang 15 puntos.

Ngunit, ang tinaguriang “Negros Sniper” na si Jeff Chan ang kumana ng krusyal na puntos sa 12-2 run ng Rain or Shine upang hilahin ang dalawang puntos na bentahe sa 111-98, may apat na minuto ang nalalabi sa laro.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

“It’s really very messy right now. We just need to wait and see.”pahayag ni Painters coach Yeng Guiao.

Bunsod ng panalo, nakalabas sa siksikang four-team logjam ang Painters at makopo ang solong ikatlong puwesto sa likod ng nangungunang Meralco at San Miguel Beer.

Iskor:

Rain or Shine (118) - Quinahan 15, Chan 12, Henderson-Niles 12, Ponferada 11, Almazan 11, Teng 10, Norwood 7, Cruz 6, Lee 6, Ibanes 6, Ahanmisi 6, Belga 6, Tiu 5, Trollano 3, Nimes 2.

Blackwater ( 107) - Lastimosa 27, Erram 20, Rhett 19, Cervantes 14, Pascual 7, Cortez 6, Bulawan 5, Gamalinda 4, Sena 2, Dela Cruz 2, Reyes 1, Agovida 0.

Quarterscores: 29-24, 61-49, 80-76, 118-107