Patuloy ang pangunguna ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa mga town hall survey na ginagawa sa iba’t ibang parte ng bansa.

Nagbubukas ang mga town hall na ito sa pamamagitan ng mock survey sa mga dumadalo upang makita sa simula ang katayuan ng mga kandidato sa kanilang botohan.

Matapos ang unang mock survey ay sinimulan na ng Movement for Good Governance ang pagpapaliwanang ng kanilang scorecard, o batayan para sukatin ang mga kandidatong tumatakbo para sa national o lokal na puwesto. Tatlong mahalagang punto ang kanilang itinutulak na dapat katangian ng kandidato: efficiency o husay sa paggawa, empowering characteristics o mga katangiang nagbibigay kapangyarihan sa botante, at ethical character o pagkatao.

Sa town hall ng mga kasambahay sa Makati, lalong dumami ang pumili kay Roxas pagkatapos maisagawa ang talakayan sa mga presidentiable.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Mula 58 porsiyento ay tumaas ito sa 83 porsiyento ng mga kabahagi na pumili sa kanya. Nasa pangalawang puwesto si Vice President Jejomar Binay, na matagal naging alkalde ng Makati, na umani ng 17 puntos.

Pangatlo naman si Senador Grace Poe na nakakuha ng 14 porsiyento. - Beth Camia