Mga laro ngayon

(Smart- Araneta Coliseum)

3 n.h. – ROS vs Blackwater

5:15 n.h. – SMB vs Phoenix

Putol na ang sumpa! UST tinapos na ang 9 taon losing streak sa Ateneo

Mapatatag ang kampanya para sa twice-to-beat ang asam ng San Miguel Beer sa pakikipagtuos sa Phoenix sa tampok na laro ngayon sa 2016 PBA Commissioner’s Cup, sa Smart Araneta Coliseum.

Tangan ang barahang 6-3, sa likuran ng nangungunang Meralco Bolts (8-2), makakasagupa ng Beermen ang Fuel Masters na magsisikap namang panghawakan ang gahiblang tsansang umabot ng quarterfinals.

Nasa ikawalong posisyon taglay ang barahang 3-7, halos nasa alanganin ang kanilang posisyon na makaabot top 8 ang Fuel Masters na nasa likuran ng Mahindra (4-6) at Star (4-7).

Sasakyan ng Beermen ang momentum sa naitalang triple-overtime win kontra NLEX.

Sa unang laban, kakalas ang Rain or Shine sa kasalukuyang 3-way tie sa ikatlong posisyon hawak ang barahang 6-4.

Para naman sa katunggaling Blackwater, sisikapin din nilang panatilihing buhay ang tyansa na makausad sa playoffs.

(Marivic Awitan)