Nagpasya sina House Deputy Speaker Lanao Del Sur Rep. Pangalian Balindong at dating Lanao Del Sur Rep. Benasing “Jun” Macarambon, na “ibaon” sa limot ang kanilang hidwaang-pampulitika at suportahan si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagka pangulo.

Inihayag ni Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles na naganap ang kasunduan matapos dalhin ng kanyang kapatid na si Jericho, ng Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) partylist, ang dalawa sa pakikipagpulong kay Duterte noong Miyerkules sa Davao City.

Ayon kay Nograles, naniwala sina Balindong at Macarambon na “the Davao City Mayor is the only one who can solve the widespread poverty and endless bloodshed in Mindanao”.

“It’s only you who can solve this problem because deep in your heart alam mo ang problem, that until now ang tingin sa atin is we are still a colony of imperial Manila so ikaw talaga ang pag-asa ng mga Muslim,” pahayag naman ni Balindong. (Bert de Guzman)

Karina Bautista, PH navy reservist na